ANOMALYA SA GSIS SUGPUIN! - sigaw ng mga kaguruan.

COMPLAINT FORM HERE

Sana makaabot sa ating Pangulong Rodrigo Duterte ang petisyong ito at maimbistigahan at mabigyan ng hustisya ang mga kaguruang kinawawa ng GSIS.

Matagal ng daing ng mga kaguruan sa Pilipinas ang mga irregularidad na nagyayari sa GSIS at nakakapagtakang nananatili padin ang modus na ito. Sa kasalukuyan ay daan-daang guro ang naging biktima ng anomalyang ito na tila baga hindi na matutuldukan pa.

Ang modus o anomalyang ito ay nakakatakot kung hindi agad masusugpo sapagkat maaring bukas ikaw naman ang maging biktima nito.

Paano nagkaroon ng utang sa GSIS ang mga guro kung sila ay hindi naman nagapply sa nasabing utang?
Bakit magbabayad ng penalty o arrears ang mga miembro sa utang nila gayong automatic na binabawas ng DepEd ang bayad buwan-buwan?

COMPLAINT FORM HERE


Maraming kaso ng mga kaguruan ang lubhang nakakaawa sapagkat ang inaasahan nilang perang matatanggap sa kanilang pagretiro ay maglalahong parang bula sanhi ng sila ay nagkaroon ng utang ng di nila alam... Pano nagyari ang pangyayaring ito? Kung ang guro ay walang iniapply na GSIS loan sino ang nangutang gamit ang kanilang pangalan?

Hindi maliit na halaga ang isang daang libong piso na binabayaran mo ng hindi mo naman napakinabangan...

Alam naming seryoso ang Pangulong Duterte sa pagsugpo ng korapsyon at nawa ay mabigyan nya ito ng pansin at aksyon.

Mga kaguro at mga kababayan, tulungan po ninyo kaming maiparating sa kinauukulan ang kasong ito... please share this petition online...

Para mas maging matibay ang ating reklamo please fill-up this complaint form kung ikaw ay isa sa mga biktima ngGSIS: COMPLAINT FORM HERE Marami pong salamat.

Petition unterzeichnen
Petition unterzeichnen
Sie haben JavaScript deaktiviert. Es kann sein, dass Ihre Website ohne JavaScript nicht richtig funktioniert.

Datenschutzpolitik

Wenn Sie hier unterzeichnen, akzeptieren Sie die Nutzungsbedingungen von Care2
Sie können Ihre E-Mail-Abonnements jederzeit verwalten.

Sie haben Probleme, dies zu unterzeichnen? Informieren Sie uns.